ano ang pinagkaiba ng bulong at awiting bayan​

Sagot :

Answer:

Ano ang pagkakaiba ng awiting bayan sa bulong?

Malaki ang pinagkaiba ng awiting bayan sa mga bulong. Parehas man silang panitikan, kultura, at tradisyon ng ating bansa at parehas man silang unti unti nang nakakalimutan, nakakaligtaan, at naisasawalang bahalang sining… malaki ang pinagkaiba nila sa pagtatanghal nito.

Ano ang AWITING BAYAN?

Ang mga awiting bayan ay ang mga tinaguriang matandang sining sa Pilipinas na naikalat sa pamamagitan ng pagsasalin dila. At dahil nga ang mga ito ay nagmula pa sa ating mga ninuno, mahirap ma-trace ang lahat ng awiting bayan.

Ang iba’t ibang uri ng panitikang Pilipino ay lumaganap pa noong sa panahon ng katutubo at hindi pa tayo nasasakop ng mga dayuhan. Ang mga ito naiukit ng ating mga ninuno sa mga materyales na madalas makita sa kalikasan gaya ng mga kawayan, dahon, kahoy, at mga bato at kasama sa mga panitikan at sining na nilikha ng ating mga ninuno noong sa panahon ng katutubo ay ‘yung mga pagsalin dila na mga awit at kuwento gaya ng mga awiting bayan, mito, alamat, epiko, at mga bulong.

Halimbawa ng bulong at awiting bayan:

Ang ilan sa mga awiting bayan na natira sa ating kasaysayan ay inaawit pa rin hanggang sa ngayon. Alam ito ng mga bata at matanda. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Leron-Leron Sinta ,Bahay Kubo, Pamulinawen, Atin Cu Pung Singsing, at marami pang iba. Ang sinasabing sikat na awiting bayan sa isla ng Luzon ay ang mga awiting Bayan Ko at Pilipinas Kong Mahal.

Kung mapapansin ninyo ay dala dala pa rin nating mga Pilipino ang kultura ng pagbulong at mga pamahiin. Ang mga bulong at kaakibat nitong mga pamahiin ay uri ng panitikang ninuno ng mga Pilipino noong sinaunang panahon. Kasama ng mga buong ang mga salawikain at mga sawikain na nauugat sa ating mga katutubong kaisipan, tradisyon, at kultura ng ating mga ninuno. Kung iisipin, wala pa noong teknolohiya o mga libangan noon kaya ang mga palaisipan at malalim na panitikan aymaaaring mga libangan ng ating mga katutubo’t ninuno noon sa ating bansa.

Ang isang halimbawa ng bulong o orasyon ay ang paggamit ng mga kulam o mga pamamaraan ng pambabarang. Ang “tabi tabi po, makikiraan lang po” ay ang pinakamadalas na gamiting bulong ng mga Pilipino lalo’t kapag dadaan sa mga lupa na hindi gaanong nadadaanan o masukal at pinaniniwalaang may mga punso. Madalas itong ibulong ng mga tao sa mga probinsya at lalawigan na pinaniniwalaang tinitirhan pa rin ng mga duwende, nuno, at iba pang mga elemento at kakaibang nilalang. Ibinubulong ito para iwasan ang makaabala o makagalit ng mga sinasabing naninirahan doon dahil kapag naistorbo at nagalit daw sila ay nagkakasakit ang dumaraan o sinusumpa raw.

Ang buong bulong ng pagbigay galang sa mga sinasabing nakatira doon ay ganito:

“Tabi, tabi nuno, kami lang po ay makikiraan.”

O kaya naman ay “Huwag magalit kaibigan. Aming pinuputol lamang Ang sa amin ay napag-utusan.”