Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang sumusunod na mga pangungusap.
1. Tutol ang ilang pangkat sa Reproductive Health Law dahil naniniwala sila na wala pa sa tamang edad ang kabataan na turuan tungkol sa sekswalidad at pakikipagtalik. 2. Ang isyu na tinugutunan ng Reproductive Health Law ay isyung pangindibidwal lamang. 3. Responsibilidad ng bawat mamamayan at hindi ng pamahalaan na siguraduhin ang kanilang kalusugan. 4. Sa ilalim ng Reproductive Health Law, mayroong pagkakataon ang kababaihan na magdesisyon kung kailan sila magkakaanak sa pamamagitan ng mas madaling paraan upang kumuha at gumamit ng contraceptives. 5. Naniniwala ang Simbahang Katoliko na nakasasama sa kababaihan ang contraceptives.