Ang Pang-abay ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan at nagbibigay turing sa pandiwa, pang- uri at maging sa kapwa nito pang-abay. Mga halimbawa ng pang-abay • Mabilis tumakbo si Pang, kaya hindi niya naiwasan ang biglang pagsulpot ni Abay. Araw-araw na naglalaro sina Pang at Abay. • Talagang kitang-kita ang kalikutan nina Pang at Abay lalo na sa kanilang silid aralan. • Parehong magagaling kung kumanta at sumayaw sina Pang at Abay kaya sumali sila sa pa contest sa kanilang barangay. May iba't ibang uri ng pang-abay, ngunit ang pag-aaralan natin ngayon ay ang pang-abay na naglalarawan.
