Basahin at unawain
Ang sanaysay ay sulating naglalahad, nagsasalaysay, o nagpapakita ng impormasyon,
pananaw, kuro-kuro,o obserbasyon ng may-akda.
A. Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa Pasko. Gumamit ng pandiwa at
salungguhitan ito. Lagyan ito ng sariling pamagat. (5PTS) PERFORMANCE

plssss po pasagot ​


Sagot :

Sagot:

A. Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa Pasko. Gumamit ng pandiwa at  salungguhitan ito. Lagyan ito ng sariling pamagat

''Ang Aking Pasko at Bagong Taon''

Sa pagsapit ng buwan ng Disyembre ang aming pamilya ay nagsisimula ng magsabit ng parol, magkabit ng christmas light at magbuo ng Christmas tree.At sa Disyembre 16 ang simula ng Simbang Gabi,sa aking pagsisimbang gabi kasama na ang pagbili ng bibingka at puto bumbong pagkatapos ng misa.Disyembre 23 umuwi ako ng Bulacan para doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon. Kinabukasan sinamahan ko ang aking nanay sa pamimili sa bayan..Kitang kita ang maraming taong nagkakagulo sa pamimili para sa kani-kanilang ihahanda para sa Noche Buena doon mo makikita ang isang paghahanda ng mga Pilipino sa Pasko na sinasabing “Araw ng Pagsilang ni Hesukristo”. Sa Noche Buena di namin nakasanayan ang paggising sa alas dose sa kinaumagahan na lang namin kinakain ang aming handa pero bago kami kumain nakasanayan na namin ang pagmamano sa mga matatanda bilang tanda ng paghingi ng aguinaldo ay este po pala paggalang at pagmamahal.Sinasabi nga nila ang Pasko ay para sa mga bata kaya sa umagang iyon sa aming barangay makikita mo na ang mga batang nakasuot ng kani-kanilang pamasko na naglilibot sa bahay ng kanilang mga ninong at ninang.Natapos na ang Pasko at susunod na okasyon ay Bagong Taon na isa rin sa talagang pinaghahandaan ng mga Pilipino.

I HOPE MAKATULONG:)