TAMA O MALI. Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA at M kung ito ay MALI. 1. Ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama dahil sa kalayaan. 2. Ang konsensiya ay ang pamantayang moral ng tao. 3. Hindi isinauli ni Kardo ang sobrang sukli ng binili niya sa tindahan. 4. Kusang tumutulong sa gawaing-bahay si Suping kahit hindi inuutusan. 5. Nagwawalis ng bakuran si Mildred kung siya ay binibigyan ng perang pangmeryenda. 6. Ang likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. 7. Ang moralidad ay likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. 8. Ang kamangmangan ay likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. 9. Ang konsensiya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring gawin. 10 Ang likas na Batas Moral ay likas sa tao at ito ang gumagabay sa kilos nito.