Gawain sa Pagkatuto Bilag 3: Tukuyin at isulat ang mga katangiang pagkakakilanlan ng bawat kaisipang Asyano. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Kaisipang Asyano Katangian/Pagkakakilanlan 1. 2. Sinocentrism 3. Divine Origin rican 2. 3. 1. 2. 3. Devaraja 1. 2. Cakravartin 3.​

Sagot :

Answer:

Kaisipang Asyano

Sinocentrism:  

“Zhongguo” ang pangalang ibinigay ng mga Tsino sa kanilang bansa, na ang ibig sabihin ay “gitnang kaharian”.

Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang bansa ang sentro ng mundo.

Naniniwala din ang mga Tsino na ang kabishasnang kanilang itinayo, kabilang na ang kanilang kultura at tradisyon, ang pinakanatatangi sa buong sanlibutan.

Divine Origin:

Ito ay ang paniniwala ng mga Hapon na ang kanilang emperador ay natatangi at walang ibang katulad.

Naging susi ang Divine Origin sa pag-unlad ng kabihasnang Hapon sapagkat sila ay nagtulong-tulong upang maibigay ang lahat ng ikasasaya ng kanilang emperador.

Ang emperador ng mga Hapones ay nagmula sa lahi ng mga diyos at diyosa.

Devaraja:

Ang mga hari ay tinitignan bilang buhay na imahe ng mga diyos.

Naniniwala ang mga Hindu sa karma at reincarnation.

Nagmula sa dalawang salitang Sanskrit na “deva” at “rajah” na ang ibig sabihin ay “diyos” at “hari”.

Cakravartin:  

Ito ay ang kaisipang ang haring mabuti, makatwiran, at mapagkalinga ay dapat pamunuan ang buong mundo.

Ito ay pinaniniwalaan ng mga Buddhist at Hindu.

Isang magandang halimbawa si Haring Asoka ng India.