ano ang angkop na kahulugan ng pagkonsumo?

Sagot :

Answer:

inasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng  buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot,  bitamina, lampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo.  Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang  pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan  mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming  pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon  nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of  the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo  ng mga tao.

Explanation:

pabrainliest