Ang price floor ay kilala bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa?​

Sagot :

Answer:

Price Floor– Ito ay kilala rin bilang price supportat minimum price policyna tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equiblibrium price. Katulad ng price ceiling, isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser. Kabilang sa sistemang ito ang pagkakaloob ng tinatawag na price supportsa sektor ng agrikultura at ang batas naman na nauukol sa pagtatakda ng minimum wage. Halimbawa, kung masyadong magiging mababa ang equilibrium priceng mga produktong palay sa pamilihan, ang mga magsasaka ay maaaring mawalan ng interes na magtanim dahil maliit naman ang kanilang kikitain mula rito. Kung magaganap ang sitwasyong ito, magdudulot ito ng kakulangan sa supply. Hindi makabubuti sa ekonomiya ang kalagayang ito kung kaya ang pamahalaan ay magtatakda ng price support/price flooro ang pinakamababang presyo kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani.