Sagot :
Answer:
Pinakabatang Lalawigan sa Rehiyon 3
Kung edad ng mga lalawigan ang pag-uusapan, pinakabata na siguro ang lalawigan ng Aurora, dahil 42 taon palang ang nakakalipas noong itatag ito. Naging isang lalawigan ang Aurora noong 1979. Pampanga naman ang pinakamatanda, dahil ito ay nasa 450 taong gulang na.
Explanation:
Narito ang kumpletong listahan ng mga probinsya sa Gitnang Luzon, at ang mga taon kung kailan ito naitatag:
- Aurora – Itinatag noong 1979 matapos mahiwalay sa Quezon
- Bulacan – Itinatag noong 1578 ng mga Espanyol
- Bataan – Itinatag noong 1754 ng mga Espanyol. Dati itong bahagi ng Pampanga
- Nueva Ecija – Itinatag noong 1801 ng mga Espanyol. Dati itong bahagi ng Pampanga
- Pampanga – Itinatag noong 1571 ng mga Espanyol, at ito ang pinakamatandang probinsya sa rehiyon
- Tarlac – Itinatag noong 1874 ng mga Espanyol. Dati itong bahagi ng Pampanga at Pangasinan
- Zambales – Itinatag noong 1578 ng mga Espanyol
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Central Luzon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/227187
#BrainlyEveryday