Sagot :
Explanation:
Halimbawa Ng Sanhi At Bunga
Ang sanhi at bunga ay kapag ang isang kaganapan (sanhi), maging mabuti man o masama ay merong kahihinatnan (bunga). Tandaan, hindi palaging nauuna ang sanhi sa isang pangungusap o kwento, meron mga pagkakataon na nauuna ang bunga kesa sa sanhi.
Ang mga sumusunod na mga halimbawa ay pag-aralan ng mabuti, matutunan nyo dito na lahat ng bagay sa mundo ay meron sanhi at bunga. Lahat ng ating mga aksyon ay parang bato na bumagsak sa tubig, meron itong mga alon na nagdudugtong ng mga pangyayari. Kaya palaging mag-isip ng mabuti bago gumawa ng aksyon dahil palagi itong meron kahihinatnan.
Sanhi At Bunga
S = Sanhi, B = Bunga
1.)S: Si Angelito ay mahilig mag-ipon ng pera
B: kaya nakabili siya ng bagong kotse.
2.)
S: Si Andrea ay palaging maaga magising sa umaga
B: kaya hindi siya nahuhuli sa pagpasok sa eskuwelahan.
3.)
S: Magaling mag-gitara si Ben
B: sikat siya sa mga kababaihan.
4.)
S: Araw-araw nag eensayo si Mark sa larong basketbol
B: siya ang naging MVP ng liga.
5.)
S: Mahilig kumain ng madami si George
B: di nag-tagal ay hindi na siya mag-kasya sa kanyang mga damit.
6.)
Palaging kumakaen ng matatamis si Grace
nabulok ang kanyang mga ngipin.
7.)
S: Palaging absent si Dennis
B: natanggal siya sa kanyang trabaho.
8.)
S: Mahilig manood ng telebisyon si Dennis ng malapit
B: lumabo ang kanyang mata.
9.)
S: Nabasa ng ulan si Maria habang pauwi galing sa eskuwelahan
B: nagkasakit siya nang gabing iyon.
10.)
S: Mabait si Roberto
B: kaya marami siyang kaibigan.
Bunga At Sanhi
1.)
B: Muntik malunod si Dennis
S: dahil mahilig siya magbida-bida habang naliligo sa dagat kahit na hindi marunong lumangoy.
2.)
B: Hindi nagkakasakit si Juan
S: dahil mahilig siyang kumain ng mga masusustansiyang pagkain
3.)
B: Na-late si Noynoy sa kanyang meeting
S: dahil hindi dumating ang eroplano sa takdang oras.
4.)
B: Lumaking magalang at mabait si Bruno at Pedro sa mga ibang tao
S: dahil naging mabuting magulang si Mary at Mario.
5.)
B: Nanakit ang kanyang ulo
S: dahil sa sobrang bilis na pag-kain ng sorbetes.
6.)
B: Sobrang dami ng sasakyan
S: kaya palaging masikip ang mga daanan sa Maynila
7.)
B: Hindi madaling mainitan si Larry kahit tag-araw
S: dahil palaging maikli ang kanyang buhok.
8.)
B: Hindi nangangagat basta-basta ang asong si Bantay
S: dahil naturuan ito ng mabuti ni Tommy
9.)
B: Mabilis na tumaba si Eric
S: dahil magaling magluto ang kanyag asawa.
10.)
B: Madaling naubos ang pera ni Jeff
S: dahil mahilig siyang gumastos.
Karagdagang Kaalaman:
Dayalek - Kahulugan At Halimbawa
Idyolek - Kahulugan At Halimbawa
Bilinggwalismo - Kahulugan At Halimbawa
Multilinggwalismo - Kahulugan at Halimbawa
Sosyolek - Kahulugan At Halimbawa
Mabuhay!
Ang TakdangAralin.PH ay ginawa ng estudyante para din sa mga estudyante. Sana po ay marami kayong matutunan sa inyong pag-bisita. Salamat!
Talumpati Tungkol Sa Edukasyon
Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging …
Matalinhagang Salita
Ang wika ay sandata na ginagamit ng kahit …
Tula Tungkol Sa Pamilya
Wala ng mas hihigit pa sa pamilya. Ang …
Barayti Ng Wika
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan …
Magagandang Tanawin Sa Pilipinas
Ang bansa ng Pilipinas ay isang arkipelagong may …