II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng wastong sagot. 6. Ang mga ninuno ay nakagawa ng mga palamuti sa katawan mula sa mga karagatan. Anong bagay mula sa karagatan ang nalikha at naikalakal ng ating mga ninuno sa mga dayuhan? A. Hikaw C. Singsing B. Pulseras D. Kwintas yari sa perlas 7. Gumawa ng mga kagamitang yari sa bakal ang mga sinaunang Pilipino na nakatulong upang maiangkop nila ang sarili sa kapaligiran at hanapbuhay. Alin sa sumusunod na kagamitang yari sa bakal ang ginamit ng ating mga ninuno sa pagkakaingin? A. Bato B. Sibat C. Gulok D. Baloisong 8. Ang mga sinaunang mangingisda ay gumamit ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay. Alin sa sumusunod ang kagamitang hindi nila ginamit? A. Itak B. Lambat C. Bingwit D. Salakab 9. Ang sumusunod ay mga kagamitang panghanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa kagamitang ito ang naging bunga ng pagkamalikhain at ginamit sa paglalakbay ng mga sinaunang Pilipino? A. Sibat B. Bangka C. Pana D. Salakab