Tuklasin Ang mga bagay na likas na makikita sa ating kapaligiran tulad ng kalupaan, katubigan, malalawak na kagubatan, mga hayop, mineral at iba pang mga katulad nito ay maituturing na yamang-likas sa isang lugar. Kung hindi sa yamang taglay ng kapaligiran, ano kayang uri ng pamumuhay mayroon tayo? Paano kaya tayo makagagawa ng mga produkto at kagamitan natin sa araw-araw? Uunlad kaya ang paraan ng ating pamumuhay? Ating bibigyan ng mga kasagutan ang ilan sa mga katanungang ito sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito. Kaya Kong Iugnay! (Pagsusuri ng Diagram) Suriin mo ang mga larawan at alamin ang nais na ipahiwatig ng diagram na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na katanungan para sa gawaing ito.
