Sagot :
Answer:
Ano ang pangngalang tahas?
Definition of Pangngalang tahas and examples
Ito ay kilala din bilang pangngalang kongkreto. Ang mga pangngalang tahas (concrete nouns) o mga pangngalanag kongkreto ay mga bagay na nakikita, nahihipo, nadarama, naaamoy, o naririnig. Kung gagamit ka sa isa sa iyong mga five senses, ang pangngalan ay tahas.
Upang malaman kung ang pangngalan ay tahas, tanungin ang sarili kung:
Ito ba ay nakikita? (Can you see it?)
Ito ba ay naaamoy? (Can you smell it?)
Ito ba ay naririnig? (Can you hear it?)
Ito ba ay nahihipo? (Can you touch it?)
Ito ba ay nalalasahan? (Can you taste it?)
Kung ang sagot mo ay OO sa isa sa mga tanong na iyon, ang pangngalan ay tahas.
Ano ang pangngalang basal?
Definition of pangngalang basal and examples
Ito ay kilala rin bilang pangngalang di-kongkreto. Ang mga pangngalang basal (abstract nouns) o ang mga pangngalang di-kongkreto ay mga bagay na hindi ginagamitan ng five senses. Ang mga ito ay walang pisikal na katangian. Ang mga ito ay maaaring isang ideya, damdamin, karanasan, katangian, pangyayari, paniniwala, o palagay ng loob.
Ang mga pangngalan sa ibaba ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pangngalang basal.