Sa tuwing nagluluto ang aming ina ng aming pagkain sa araw-araw, hindi maaaring
bumaba sa dalawang putahe ang kanyang iniluluto. Kapag nagluluto siya ng kahit
anong may sabaw hindi mawawala ang pritong isda. Gayundin kapag nagluluto siya ng
gulay laging may kapartner na pritong manok o isda. Maging sa aming meryenda, kung
may champorado, inaasahan nang may kasamang dilis. Ito ay para daw magbalanse
ang tamis at alat. Kaya ang batas ng pagkabagay-bagay ang isinasaalang-alang lagi
namin sa pagbili ng pagkain sa bahay.