Salungguhitan ang panghalip panao sa bawat pangungusap.Isulat sa nakalaang patlang ang gamit nito S para sa simuno,P sa panaguri,LP sa layon ng pang-ukol at KP para sa kaganapang pansimuno. __1.Sisikapin ni tatay na maging mabuti halimbawa para sa kanila. __2.Puntahan mo si karina para makapag-aral tayo. __3.Ang bahay bakasyonan ay sa kanila. __4.Pinagsabihan siya ng kanyang mga magulang dahil sa mabababa niyang marka. __5.Ikaw ang hinihintay upang sorpresahin para sa iyong kaarawan. __6.Tinungulan siya ng kanyang pamilya sa kanyang pag-aaral. __7.Ang magandang regalo ay kaniya. __8.Sino ang karapat-dapat na Pambansang Alagad ng Sining para sa iyo? __9.Sa amin sila magbabakasyon sa darating na tag-init. __10.Siya ang sa tingin ko'y karapat-dapat para sa parangal.