Sagot :
Answer:
Epikong Pandaigdig ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalay ng mga pangyayaring hindi maaaring mangyari sa totoong buhay o mga supernatural na pangyayari subalit naglalaman ito ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula. Bwat epiko ay mayroong pagkakaiba at pagkakatulad at ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
PAGKAKAIBA ng EPIKO
- Pagkakaiba ng paraan ng pagsasalaysay upang maipakita ang tradisyong masasalamin sa isang epiko.
- Pagkakaiba ng paksa ng bawat epiko - maaaring pag-ibig at pakikipagsapalaran.
- Pagkakaiba ng wikang ginagamit batay sa lugar na pinagmulan ng epikong binabasa.
- Pagkakaiba-iba ng istilo ng may-akda sa paraan ng pagsusulat.
Explanation:
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epiko. Bukod sa nagiging aliwan ito, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Kadalasan ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.