sumulat Ng liham na nangangako sa pakikilahok sa layunin Ng lipunan

Answer:
Mahal kong lipunan, ako ay nangangako na ako ay tutulong sa abot ng aking makakaya. Ang pakikiisa ko sa mga isyung iyong kakaharapin ay asahan sa tuwina. Papanatilihing malinis ang kapaligiran, para sa lahat ay maging kapaki-pakinabang. Ang pagboto at suporta ay iyo ring asahan. Sa patnubay ng may-kapal, tayo ay sama-samang aahon sa hirap. Ako ay isang bata lamang ngunit malinis ang aking layunin. Balang araw, ang ating bansa ay kaya kong iangat sa pamamagitan ng sarili kong mga kamay. Ngunit habang wala pa ang araw na iyon, sabay sabay tayong kumilos upang mapaganda at mapatatag ang lipunan ngayon at maging sa hinaharap.