Subukin Maraming Pagpipilian Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Shina. Sila ay pinatira muna nila Janna sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila. Anong kaugalian ang umuiiral kay Janna? A. ang pagkamatulungin ni Janna B. naging mapagkumbaba siya sa iba C. pagpapakita ng malasakit sa kapwa D. pagiging mabait sa mga nangangailangan 2. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang byanan upang maipagamot ang kanyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byanan? A. madasalin B. matulungin C. mapagkunwari D. mapagkumbaba 3. Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang; A. Maging matatag ang pamilya. B. Maayos ang pagtrato sa bawat isa. C. Mapanatili ang respeto sa isa't isa. D. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya. FR07132020 D 4. Tuwing Linggo hindi lumiliban ang pamilyang Malabanan sa pagsisimba. Anong kaugalian ang umiiral sa pamilyang Malabanan? A. walang kaguluhan sa pamilya B. nanatiling masunurin ang pamilya C. umiiral ang pagmamahalan sa pamilya D. may matatatag na pananampalataya ang pamilya