Sagot :
Answer:
Ang heograpiyang pantao ay isang sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag-aaral kung paano namumuhay ang tao sa kaniyang pisikal at kultural na kapaligiran.
Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan, at iba pang aspekto tulad ng distribusyon ng populasyon at kalunsuran.
Iba ito sa pisikal na heograpiya dahil sa sakop ng pinag-aaralan dito. Ang pisikal na heograpiya ay isang pag-aaral ng likas na agham na nakaton sa pag-aaral ng mga proseso at gawi sa ating likas na kapaligiran.
Saklaw din nito ang pag-aaral ng mga hanging hinihinga natin at hanging makikita sa mundo. Nakatuon din ang heograpiyang pisikal sa pag-aaral ng mga kapaligiran.