Gawain 2: Likas na Yaman Challenge! Panuto: Tukuyin kung anong uri ng likas na yaman ang mga sinalungguhitan sa pahayag. Maaaring isulat kung ito ay Yamang Lupa, Yamang Tubig o Yamang Mineral. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ang Ilog Mekong at Tonle Sap na matatagpuan sa Cambodia. 2. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa langis at petrolyo. 3. Agrikulturang produkto tulad ng Palay, Trigo at Jute ang pangunahing pananim sa Timog Asya. 4. Ang Hilagang Asya ay nagluluwas ng caviar mula sa mga Sturgeon. 5. Ang pangunahing industriya ng Turkmenistan ay ang Natural gas. Sa pagkakataong ito ay mas higit na madaragdagan ang iyong kaalaman tungkol sa likas na yaman ng Asya. Maaari mo nang sagutan ang pamprosesong tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pamprosesong Tanong: 1. Paano makatutulong ang yamang likas sa pamumuhay ng mga tao sa Asia? 2. Paano mo pahahalagahan ang inyong yamang likas? 3. Sa paanong paraan ka makatutulong sa pagpapanatili at pagpepreserba ng likas na yaman? 11 O 01 Araling Panlipunan 7 Modu