Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Iginuhit ni Recel Joy D. Vasquez
Ang mag-anak na Reyes ay likas na matulungin. Sila ay nagpunta sa kalapit na Barangay upang tulungan ang mga taong nasunugan. Sina Aling Oneng at Mang Romy ang nagbibigay ng pagkain. Sina Argie, Tina at Leo ang tumutulong sa pag- eempake ng mga pagkain na ipamimigay. "Ako na ang maglalagay ng noodles sa supot," ang sabi ni Argie. "Ikaw naman Tina ang maglagay ng mga de lata. Sila naman ang maglalagay ng mga bigas,” sabay turo ng dalawang bata kay Leo. Ang pamilya ay masayang-masaya kapag sila ay may natutulungan.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ilarawan ang mga bata sa kuwento.
2. Bakit sila nasa kalapit Barangay?
3. Anong uri ng mga bata ang magkakapatid?
4. Ano ang katangiang taglay ng mag-anak?
5. Ano ang maaaring maging batayan ng isang pamilya upang maging masaya?
6. Kung ikaw ay isa sa mga anak nila G. at Gng. Reyes, paano mo sila tutularan? Bakit?