Sagot :
Lahing Pilipino
Akda ni Aubrey Manahan
Ngayon, nakikita natin na lumiliit na ang mundo. Ang pagkakalantad sa ibang kultura ay karaniwan na at hindi na imposible ang pakikipag-usap sa mga taong nasa Pilipinas o nasa Hawaii. Pero sa kabila nito, mayroon pa ring pagkakaiba sa mga kultura at mga hindi pagkaunawaan. Halimbawa, mayroong pagkakaiba ang kulturang Pilipino sa kulturang Amerikano kahit mayroong namagitang kasaysayan sa mga bansang ito.
Mahalaga ang konsepto ng kominuidad sa Pilipinas. Mas mabagal ang takbo ng buhay sa Pilipinas kaya madaling kausapin ang mga tao. Laging may tao na nakaistambay sa labas kaya binabati nila kung sino man ang naglalakad para lang masimulan ang pakikipag-usap. Ang mga pakikipag-usap ay isang paraan para magtatag ng pagtitiwala at relasyon sa ibang tao. Iniimbitahan din ng mga tao ang mga kausap nila sa bahay nila. Sa kulturang Pilipino, pumupunta ang mga tao sa kapit-bahay nila para makakilala sila. Ang mga Pilipino ay isinasama ang kanilang sarili at nakikisama bilang isang paraan ng pakikipagkaibigan. Halimbawa, natuto tayo sa mga dyalogo natin na tanungin ang mga tao “Saan tayo pupunta?” kahit hindi sila talagang kasama. Ganito kasi ang kasaysayan ng Pilipinas, mahalaga ang komunidad sa mga buhay ng Pilipino dahil ang kondisyong pang-ekonomiya ay hindi maganda.
Malaking-malaki ang pagkakaiba ng ilang aspeto ng kulturang Amerikano kaysa kulturang Pilipino. Hindi kasinlakas ang ideya ngkomunidad sa Pilipinas. Mas sanay ang mga Amerikano na nag-iisa sila at hindi nakikipag-usap sa tao na hindi nila kakilala. Kahit na makita mo ang kapit-bahay mo, hindisila babati sa iba. O maikling pagbati lang na hindi talaga kailangan ng sagot. Ang mga relasyon sa ibang tao ay mas mapili. Mas maganda ang ekonomiya ng Estados Unidos kasya sa Pilipinas kaya mas may distansiya sa pagitan ng mga tao. Mayroon ding konsepto ng personal space o privacy sa Estados Unidos na walamasyado sa kulturang Pilipino. Ang indibiduwalismo ay mas importante kaysa komunidad sa kulturang Amerikano. Ang ideya ng paligsahan ay importante sa kulturang Amerikano dahil sa politika at ekonomiya kaya malamang hindi masyadong malapit ang mga tao sa isa’t isa.
Dahil lumaki ako na isang Pilipino-Amerikano, nakikita ko na mayroong maganda sa kapwa kultura. Gustung-gusto ko na nagtuturo ang kulturang Pilipino, na hindi ka nag-iisa at laging mayroong sumusuporta sa iyo sa pamilya mo at sa komunidad. Gustung-gusto ko rin ang paligsahan at pagpapahalaga sa indibiduwal sa kulturang Amerikano. Ang pagkakagalit at salungatan sa magkakaibang mga kulturang ay nangyayari pa rin pero iniisip ko importanteng maintindihan ng mga tao na may pagkakaiba talaga ang iba’t ibang mga kultura. Kung igagalang ng mga tao ang ibang kultura, mas magkakasundo ang mga tao.