ano kinahihiligan ni kikong makata

Sagot :

Answer:

i Francisco Baltazar ang tinaguriang magiting na makatang Pilipino, ay isinilang sa isang maliit na nayon sa Panginay bayan ng Bigaa sa lalawigan ng Bulacan noong ika-2 ng Abril 2, 1788. Sa apat na mga anak nina Juan Baltazar at Juana dela Cruz ay si Francisco Baltazar ang bunso ang ama ni Francisco o Kiko ay isang panday at isang simpleng mambahay lamang ang kanyang ina. Sinasabing ang kanyang mga kapatid ay sina Felipe, Concha at Nicolasa.  

Ang pamamsukan ni Francisco Balatazar sa kabila ng kanyang murang edad

Lumuwas si Kiko sa Tondo, Maynila ng siya ay labing-isang taon pa lamang sa iyang mayaman ay malayong kamag anak na si Donya Trinidad siya namasukan bilang isang utusan. Dahil sa kanyang husay at kasipagan at kinagiliwan siya nito kaya naman siya ay pinag aral nito sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose. At noong taong 1812 ay nagtapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Canones Latin, Kastila, Pisika, Doctrina Christiana, Humanidades Teolohiya at Pilosopiya sa Kolehiyo de San Jose. Si Padre Mariano Pilapil ang nagging guro niya sa Pilosopiya sa nasabing paaralan. Samantalang natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz o kilala sa sa bansag na Huseng Sisiw na kilalang pinaka sikat na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ang nag silbing idolo ni Kiko kaya naman mas lalo pa niyang pinagbuti ang pagsulat ng kanyang mga tula at hindi nga nag laon ay nagging tanyag din siya sa larangan ng panulaan.  

Ang Paninirahan ni Kiko sa Pandacan

Noong taong 1835 si Francisco Balagtas ay nanirahan sa Pandacan. At ditto na nga niya nakilala si Maria Asuncion Rivera ang isang magandang dalaga na nagsilbing inspirasyon ni Kiko. Sa Akda niyang Florante at Laura siya ang Tinaguriang Celia ni Balagtas at ang karibal niya dito ay si Mariano Capule.  At di kalaunan ay nagwagi nga si Nanong Capule sa pag ibig kay Celia dahil ginawa niya ang kasinungalingan Kiko at sa tulang ng kanyang kayamanan ay naipabilanggo niya si Kiko. At dito na nga niya naisulat ang akdang Florante at Laura sa loob ng bilangguan.

Ang paglipat ni Francisco Baltazar sa Udyong Bataan

Noong taong 1840 ay lumipat si Kiko sa Udyong Bataan. Nanilbihan siya bilang Tenyente Mayor at Huwes mayor de sementera. At ditto rin muling tumibok ang puso niya sa isang dalaga na taga Orion na si Juana Tiambeng at sa pagkakataong ito ay hindi na siya sawi nagpakasal sila noong taong 1842. At nagkaroon sila ng pitong anak. Tatlong lalaki at apat na babae ngunit sa kasamaang palad ay apat lamang ang nabuhay.

Ang muling pagkakabilanggo ni Francisco Balatazar  

Si Kiko ay muling nabilanggo dahil sa sumbong ng katulong na babae ni Alferez Lucas sa di umano ay pagputol ng buhok ng katulong, at nakalaya naman siya noong taong 1860. At muli nga niyang ipinagpatuloy ang pagsulat ng mga komedya , awit at mga korido, siya ay namayapa noong Pebrero 20,1862 sa gulang na 74.

Ang iba pang akda ni Francisco Balagtas bukod sa Florante at Laura.

Auredato at Astrome

Orosman at Zafra

Don Nuno at Selinda

Clara Belmori

Abdol at Miserena

Bayaceto at Dorlisca

Almansor at Rosalina

Mahomet at Constanza  

Claus ( salin sa tagalog mula sa Latin)

La India Elegantey El Negrito Amante

Nudo Gordeano

Rodolfo at Resemonda

Explanation: