1. Sa sistemang ito boluntaryo o kusa ang gawaing pang ekonomiko, tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makuha ng malaking pakinabang. 2. Mekanismo ito na layuning maisaayos na maipamahagi at magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa. 3. Pinahihintulutan sa sistemang ito na makagawa ng mga pribadong pagpapasya, gayunpaman hindi ito nangangahulugang ganap ang kanyang kapangyarihan. Karamihan pa rin ng kanilang desisyon ay ginagabayan ng pamahalan. 4. Sa sistemang ito, masasabi na ang lipunan ay nakagagawa ng alokasyon sa mga pinagkukunang-yaman batay sa kultura at tradisyon at kaugalian ng mga tao. 5. Pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa mga gawaing pang- ekonomiko. 6. Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ang nagpapasya kung ano, paano, gaano at para kanino ang produktong gagawin?​