ARALING PANLIPUNAN Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang mga pahayag tungkol sa mga pangyayaring nagbigay daan sa EDSA People Power 1 at MALI kung hindi.
1) Noong panahon ng batas militar, ang mga sundalo sa ilalim ng pangangasiwa ng mga pangulo, ang nagkaroon ng kontrol sa tatlong sangay ng pamahalaan.
2) Napanatili ang Writ Hebeas Corpus o ang karapatan ng isang indibidwal na naaresto na dalhin sa isang korte upang malaman kung ayon sa batas o hindi ang pang-aaresto.
3) Nasa control na pamahalaan ang media. Ang mga radio at telebisyon ay nasa pag-aari ng mga kaibigan ni Marcos.
4) Ipinagbawal ang karapatang magpulong-pulong at ipinatupad ang curfew.
5) Ang mga nasa oposisyon na maimpluwensya at kilala tulad ng sa kaso ni Ninoy Aquino ay hindi nananatili sa ating bansa.