Modyul 3: Elehiya mula sa Bhutan (10puntos)
Gawain. Panuto: Kung ikaw ay nawalan ng taong minamahal sa iyong buhay, ano ang nais mong sabihin
sa kanya at bakit? Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba sa pagsasagawa ng iyong gawain. Isulat ang iyong
kasagutan sa malinis na papel.

PAMANTAYAN
May kaugnayan sa paksa
Binubuo lamang ng 8-10 na pangungusap.
Wastong paggamit ng mga salita at mga bantas pati
na ang baybay(spelling) ng mga salita
KABUOAN
ISKOR
5
3
2
10​


Sagot :

Answer:

Marami akong gustong sabihin at itanong sa kanya.

Bakit mo kami iniwan? Paano na yung mga pangarap natin? Yung mga masasayang alaala natin? Mga pinagsamahan natin?

Siguro ganoon talaga ang buhay. May mawawala man, may darating uli. Ngunit hindi ko malilimutan ang pinagsamahan namin sa buhay. Mga alaala na nananatili sa aking puso, na hindi malilimutan ng aking isip.

Explanation:

:)

Answer:

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil kapag nagawa ko iyon ay mababawasan kaunti ang sakit na nararamdaman ko.Gusto kong sabihin na kahit ang sakit sakit na mawala siya ay pipilitin ko parin na maging malakas dahil alam kong hindi siya magiging masaya kapag nakikita niya akong malungkot at nanghihina.