Gawain 2.Panuto: Panuto: Piliin ang larawan ng itinuturing mong may mabuting kabutihan na naidudulot sa iyo. Isulat sa kahon at ipaliwanag mo kung bakit ang larawang iyan ang napili mo.
yang may bilog po ang napili ko po paki paliwanag nalang po thanks brainliest ko po​


Gawain 2Panuto Panuto Piliin Ang Larawan Ng Itinuturing Mong May Mabuting Kabutihan Na Naidudulot Sa Iyo Isulat Sa Kahon At Ipaliwanag Mo Kung Bakit Ang Larawan class=

Sagot :

Answer:

Ang napili ko ay ang mga libro

Paliwanag: Dahil ang mga libro ay nagsisilbing katulong natin upang mahubog, mapaunlad at mapalawak ang kaalaman ng bawat tao. Isa rin itong mahalagang bagay na magpapalalim at magpapalawak ng imahinasyon ng isang mag-aaral. Maraming naidudulot ang pagbabasa ng mga libro sa mga mag-aaral, sa pagbabasa makakatuklas ng iba't ibang kaalaman, makakapunta sa iba't ibang lugar dulot ng malawak na imahinasyon at makakaagpaunlad ng bokabularyo na magagamit ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya masasabing ang libro ay napakahalaga sa buhay ng isang mag-aaral at ng isang tao kaya ito ang aking napili.

Ang napili ko ay ang pamilya

Paliwanag: Dahil ang Ang pamilya ang kauna-unahang guro sa loob ng tahanan na humubog sa pag-uugali at kakanyahan ko.  Nagsisilbing gabay sa lahat ng panahon upang maabot ang mga minimithi ko sa buhay.  Tumutulong at sumusuporta sa pinansyal at moral na pangangailangan ko upang maging isang ganap na mamamayan na may angkin kakayahan na pamahalaan ng maayos ang sarili.  Walang sawang umuunawa at nagbibigay ng pagmamahal sa lahat ng pagkakataon at pangangailangan.  Ang pamilya ko ay may kahandaang tanggapin ako bilang ako ng walang pag-aalinlangan.