A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Ilagay sa patlang ang (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at (х) kung hindi.

__1. Ang dahon at balat ng mga prutas ay nabubulok na basura.

__2. Ang mga plastik at lata ay nabibilang sa mga basura na
di-nabubulok.

__3. Ang pagtapon ng mga basura sa mga kalsada at ilog ay isang mabuting gawain.

__4. Ang mga dahon ay kailangang sunugin.

__5. Inihahalo ang bote sa nabubulok na basura.

__6. Ang mga bote at plastik na maaring pang mapakinabangan ay
kailangan gamiting muli.

__7. Ang segregasyon ng basura ay nakatutulong sa kalinisan ng
ating paligid.

__8. Inilalagay ko sa tamang lagayan ang aming basura sa tahanan.

__9. Itinapon ko lahat ng aming basura sa isang lagayan.

__10. Nilalagyan ko ng mga pangalan ang mga lagayan ng basura.

__11. Ang usok na galing sa pagsunog ay nakabubuti sa ating kalusugan.

__12. May kaukulang batas na mahigpit na ipinagbabawal ang
pagsunog ng kahit anong basura.​


Sagot :

Answer:

1.✓

2.✓

3.×

4.x

5.x

6.✓

7.x

8.✓

9.x

10.✓

11.x

12.✓