Sagot :
Ang kagalingan sa larangan ng sining, paniniwala, pakikipagkapwa-tao at pag-aaral
ng pag-uugali ng tao ay tinatawag na kalinangang sosyo-kultural. Makikita ang pamamaraan
ng pamumuhay sa kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya ng isang bansa. Ang ating mga
ninuno ay sumasamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba pa dahil
naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa. Tinatawag na animismo ang paniniwalang.
Pinapahalagahan ng ating mga ninuno ang kanilang mga patay. Bago pa ilibing ang bangkay,
ito ay nililinis muna, lalagyan ng langis,at bihisan ng magarang kasuotan.Pinapabaunan din
ang bangkay ng mga kasangkapan katulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit
siya sa kabilang buhay.Matapos malibing at matuyo na ang mga buto ng bangkay, ito ay
huhukayin at isisilid sa banga.