1.Ang heneral ng Amerika na bumalik kasama ang mga hukbong Amerikano na lulupig sa mga Hapon.
A. Heneral Hideki Tojo
B. Heneral Douglas MacArthur
C. Heneral Edward King
D. Heneral Jonathan Wainwright
2.Kailan bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapon?
A. 5 Mayo 1942
B. 6 Mayo 1942
C. 7 Mayo 1942
D. 8 Mayo 1942
3.Lider ng samahang gerilya sa Panay.
A. Tomas Confessor
B. Tomas Cabili
C. Koranel Ruperto Kangleon
D. Wenceslao Q. Vinzons
4.Lider ng samahang gerilya sa Mindanao.
A. Tomas Confessor
B. Tomas Cabili
C. Koranel Ruperto Kangleon
D. Wenceslao Q. Vinzons
5.Lider ng samahang gerilya sa Luzon.
A. Tomas Confessor
B. Tomas Cabili
C. Koranel Ruperto Kangleon
D. Wenceslao Q. Vinzons
6.Isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binuklod ng mga magsasakang labis na naghirap.
A. KKK
B. Gerilya
C. HUKBALAHAP
D. USAFFE
7.Ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga Hapones.
A. Luis Taruc
B. Jesus Lava
C. Jose Banal
D. Lahat ng nabanggit at tama
8.Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones.
A. HUKBALAHAP
B. Gerilya
C. Makapili
D. KALIBAPI
9.Ang pulis militar ng Hapones ay tinatawag______.
A. Makapili
B. Kempei-tai
C. Heneral
D. Direktor-heneral
10.Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
A. Pamahalaang Parlamentaryo B. Pamahalaang Demokratiko
C. Pamahalaang Totalitaryan
D. Pamahalaang Komonwelt

Answer
1.B
2.B
3.A
4.B
5.D
6.C
7.D
8.B
9.B
10.C

EXPLANATION
Sana po nakatulong sainyo
:)


Sagot :

Mga Resulta ng Pananakop ng mga Hapon

Nang sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas, dumanas ito ng matinding hirap. Marami ang nawalan ng hanapbuhay. Binawi ang pagkakataon na makapag - aral ang mga Pilipino ng iba pang lenggwahe. Maging pananamit at kultura ay unti - unti binago ng mga Hapones. Ang pinakamasakit ay ang pananamantala sa mga kababaihan.

Mga Sagot:

  1. B.
  2. B.
  3. A.
  4. B.
  5. D.
  6. C.
  7. D.
  8. B.
  9. B.
  10. C.

Mga Dapat Tandaan:

  • Si Heneral Douglas MacArthur ang heneral ng Amerika na bumalik kasama ang mga hukbong Amerikano upang lupigin ang mga hapon.
  • Ang Bataan at Corregidor ay bumagsak sa kamay ng mga hapon noong Mayo 6, 1942.
  • Si Tomas Confesor ang naging lider ng samahang gerilya sa Panay.
  • Si Tomas Cabili ang naging lider ng samahang gerilya sa Mindanao.
  • Si Wenceslao Vinzons ang naging lider ng samahang gerilya sa Luzon.
  • Ang HUKBALAHAP o Hukbong Bayan Laban sa Hapon ay isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binubuo ng mga magsasakang labis na naghirap.
  • Sina Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal ay kapwa mga naging pinuno ng HUKBALAHAP.
  • Ang gerilya ay binubuo ng mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones.
  • Ang pulis militar ng Hapones ay tinatawag na kempei - tai.
  • Ang Pamahalaang Totalitaryan ay ang uri ng pamahalaang itinatag ng mga Hapones.

Ano ang mga naging bunga ng pananakop ng mga hapon: https://brainly.ph/question/10376021

#BrainlyEveryday