Tukuyin at isulat sa patlang kung anong aspekto ng pagkatao ang ipinahayag sa pangungusap. Piliin kung ito ay aspektong [intelektwal] [pangkabuhayan] [panlipunan] at [politikal]
1. Tinuruan ako ng aking magulang mag-ipon ng pera upang makabili ng sarili kong laptop para may magamit sa pasukan.
2. Nagkakaisa kami ng aking pamilya na maglaan ng oras sa isang araw upang magbasa ng bibliya at manalangin.
3. Nakikilahok ako sa mga gawaing pambarangay o pamayanan sa pagbabalot ng de lata at bigas para ipamahagi sa mga mahihirap.
4. Pinahahalagahan ko ang mga bagay tulad ng pagtitipid sa kuryente, tubig at pagkain bilang pagtulong sa aking mga magulang na naghahanapbuhay.
5. Sumusunod ako sa batas o patakaran ng ating pamahalaan tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing kapag lumalabas ng bahay.
6. Nag-aaral ng mabuti para maunawaan at masagutan nang tama at may katapatan ang mga gawain na nasa modyul.
7. Nagtitinda ng kakanin sa pamamagitan ng online dahil nawalan ng trabaho ang aking tatay para kahit paano makatulong ako sa kanila.
8. Naglilinis ako ng kanal sa tapat ng aming bahay upang makaiwas sa sakit at mapanatili ang kalinisan.
9.Pagdating ng eleksiyon, sa loob ng aming paaralan kahit walang face-to-face ngayon iboboto ko ang tunay na karapat-dapat.
10. Susunod ako sa mga safety health protocol na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan at bansa.