Sagot :
Balagtasan ng dalawang nagkapatid na sina Loki at Luthor
Loki: Kamusta, Luthor! Ano sa tingin mo ang mas mahalaga? Edukasyon o Kalusugan?
Luthor: Kamusta rin Loki! Sa tingin ko ang mas mahalaga ay Kalusugan.
Loki: Ganun ba? Para sa akin mas mahalaga ang edukasyon.
Luthor: Ganun ba? O sige, paano mo naman nasabing ito ay mas mahalaga?
Loki: Nasabi kong edukasyon ang mas mahalaga dahil sa pamamagitan nito, matututo ka ng napakaraming bagay. Ikaw ba? Paano mo nasabing mas mahalaga ang kalusugan?
Luthor: Nasabi kong mas mahalaga ang kalusugan dahil kung hindi mo uunahin ang iyong kalusugan, hindi ka makakapag-aral ng maayos.
Loki: Eh kaya nga tayo nag-aaral para matutunan natin kung paano ingatan ang ating kalusugan. Kasama na rin yun sa ating edukasyon.
Luthor: Pwede natin matutunan ang pag-aalaga sa ating kalusugan sa pamamamagitan ng ating mga magulang, kahit hindi mo unahin ang edukasyon ay matututuna't matututunan mo pa rin iyan dahil sa kanila.
Loki: Oo, pero kung edukasyon ang uunahin ay mas mapapalawak natin ang ating kaisipan tungkol sa pag-aalaga ng ating kalusugan.
Luthor: Maganda ang iyong opinyon, kapatid. Pareho naman tayong may punto ngunit sa mga mambabasa na lang natin isalalay kung kaninong panig sila kakampi
Loki: Sabagay, may punto ka rin naman. Sa mga mambabasa, kaninong panig kayo kakampi? Kayo nang bahala ang pumili.