A. Panuto: Basahin ang maikling talata. Piliin ang tamang pamagat 1. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan A. Tradisyon ng mga Pilipino B. Ang Bayanihan C. Kapistahan ng mga Pilipino D. Mga Kapistahan sa Lalawigan 2. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa't isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang manatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya't patuloy mong ingatan A. Ang Pamilyang Pilipino B. Ang Problema sa Pamilya C. Ang Pamilya D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya 3. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo at iba pa. A. ang niyog B. Ang mga Gamit ng Niyog C. Ang Niyog D. ang mga gamit ng Niyog