ano ang kahulugan ng siklot​

Sagot :

Explanation:

Ang salitang siklot ay may tatlong kahulugan sa Filipino. Tignan natin kung ano ang mga ito.

siklot (1)

tinapon

Halimbawa:

Siniklot niya sa malayo ang bola upang hindi ito maagaw ng kalaban.

siklot (2)

tinangay

Halimbawa:

Nagpasiklot-siklot ang mga tuyong dahon sa paligid dahil sa lakas ng hangin.

siklot (3)

Isang larong Pilipino kung saan itinatapon ang mga maliliit na bato, buto, o bagay at ito ay ekspertong sasaluhin muli. Ang larong jackstone ay isang klase ng larong siklot.

Sana ay nakatulong ang sagot ko na ito.

#carry on learning