Sagot :
Neokolonyalismo
Mga anyo
Mga anyo ng neokolonyalismo
- Politkal
- Militar
- Pangkabuhayan
Politikal
Ito ay ang anyo ng neokolonyalismo na kung saan nanghihimasok ang mga malalaking bansa sa pamamalakad ng mga maliliit na bansa. Pinapakialaman nila ang pamamahala sa mga maliliit na bansa
Militar
Ito ay inilalarawan ng pagpapahintulot na magtayo ng base militar ng malaking bansa sa mas maliit na bansa.
Pangkabuhayan
Ito rin ay makikita sa impluwensya ng mga malalaking bansa sa ekonomiya ng mga maliliit na bansa. Sila ay may kakayahan na kontrolin ang ekonomiya
Epekto
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga nagiging epekto ng pagkakaroon ng neokolonyalismo
- Kawalan ng soberanya ng mga maliit na bansa
- Panghihimasok ng mga malalaking bansa
- Pagkakaroon ng dependency ng mga mahihinang bansa sa malalakas na bansa
- Naiimpluwensyahan ang mga mamamayan
- Nagkakaroon ng colonial mentality
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga katangian ng neokolonyalismo https://brainly.ph/question/2727530
#LearnWithBrainly