Sagot :
Answer:
Andito ako ngayon nakaupo,
Nakaupo at nagmumuni-muni sa ilalim ng puno,
Habang nakatingala at nakatingin sa mga kumikinang na mga bituin,
Nangangarap na balang araw maaabot ko ito katulad ng aking mga mithiin.
Ang daming pangarap na gustong matupad,
Katulad ng isang ibon na malayang lumilipad,
Ang daming pangarap na gustong abutin,
Kahit na minsa’y nahihirapan para sa pangarap ay pipilitin.
Pilit lumilipad patungo sa destinasyon ng kanyang pangarap,
Pilit nilalabanan ang mga problemang kinahaharap,
Kahit pagod na hindi parin sumusuko,
Lalaban at lalaban parin hanggang dulo.
Nangangarap ako hindi lang para sa sarili ko,
Para din ito sa pamilya na siyang naging inspirasyon ko,
Inspirasyon na lumaban at hindi sumuko,
Pamilyang siyang dahilan ng lahat ng ito.
May mga panahong pinanghihinaan ako,
Mga panahong naisipang ng sumuko,
Pero pilit lumalaban para sa pangarap ko,
Pangarap magkaroon ng magandang buhay ang pamilya ko.
May nagsasabi na hindi ko kaya,
Na hindi ko magagawa ,
May mga taong pilit akong ibinababa,
Pero tumatayo parin ako at sila ay binabalewala.
Basta alam ko sa sarili ko na kaya ko ito,
Alam ko sa sarili ko na malalampasan ko ang mga balakid sa buhay ko,
At basta andiyan ang pamilya na patuloy sumuporta sa tabi ko,
Alam kong makakaya kong abutin ang mga pangarap na minimithi ko.