Gawain 3
Panuto: Gumawa ng sariling diyalogo sa malinis na papel. Gumamit ng magagalang
na salita gaya ng "po" at "opo" sa pagsasabi ng iyong saloobin o hinaing. Gawing
batayan ang diyalogo sa ibaba.



PULIS: Psst. Hoy! Huli ka, Huwag kang tumakbo.

CALOY: Bakit po? Ano po ba ang nagawa kong kasalanan?

PULIS: Hindi mo ba nakikitang bawal tumawid dito?

CALOY: Naku, paumanhin po. Akala ko po ay maaaring tumawid sa bahaging ito
ng kalsada.

PULIS: Alam mo bang may karampatang parusa sa iyong ginawa?

CALOY: Naku, pasensya na po kayo. Mangyari po kasi kanina ay may naunang
tumawid dito na dalawang babae, kaya po inakala kong ito ay tamang tawiran.

PULIS: Ah, pinapayagan naman na tumawid dito ang matatandang di na maaring
umakyat sa tamang tawiran at ang mga may karamdaman. Sila lamang at hindi ang
mga tulad
mong
bata pa. Gayundin, sila ay tinutulungan ng mga pulis trapiko.

CALOY: Ganun po ba? Ang tulad ko po kaya na bagama't isang bata ngunit may
dinaramdam sa tuhod ay hindi ninyo mapagbibigyan? May pilay po kasi ako. Maaari
po kaya kung ngayon lamang habang ako ay hindi pa lubusang gumagaling?

PULIS: Ah, ganoon ba? Sige maari kanaming mapagbigyan ngayon pero sa oras ba ikaw ay gumaling,kinakailangan mong sumunod sa batas-trapiko.

CALOY:Opo, sir. Marami pong salamat.​


Sagot :

Diyalogo:

Jenna: Magandang umaga po Nanay at Tatay!

Nanay at Tatay: Magandang umaga din anak.

Nanay: Anak, magbihis ka na. Pupunta tayo kay lola at lolo.

Jenna: Sige po Nanay.

Tatay: Anak, magpakabait ka doon, ha?

Jenna: Opo, Tatay.

Jenna: Lolo, Lola, mano po.

Jenna: Lolo, Lola, nasaan po sina kuya at ate?

Lola: Nasa sala sila, makiglaro ka muna.

Jenna: Opo, salamat po.