gumawa isang tula na nagpapakita ng panggalng sa ideya o suhestion ng iyong kapwa sa anumang usapan usapang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan lagyan ng angkop na pamagat​

Sagot :

Kapayapaan

Isang salitang hindi maikakaila.

Na may sampung titik na mailap makuha.

Isang salitang nais na ibandila,

Pinapangarap ng ating buong madla.

Kapayapaan...

Isang salitang may sampung letra...

Pag-­asa...

Anim na letra lang pero sadyang matalinhaga.

Nagbibigay sigla sa puso ng nasasakdal at nag-iisa.

Nagiging liwanag sa dilim ng isang nagdurusa,

Ngunit mailap makamtan sa mundong marami ay napapariwara.

Pag-asa...

Isang salitang may anim na letra...

Pag-ibig...

Kaliwa't kanan ang krimen at kaguluhan.

Nasaan ang pagmamahal sa pagkakawatak-watak at iringan?

Ang puso ng iba'y balot na balot na nang kasamaan.

Maibabalik pa ba ang pag-ibig sa tinubuang lupa?

Pag-ibig...

Ikaw ay nasaan?