Isang Lunes ng hapon, buwan ng Hunyo, masayng tumanggap ng bag at kagamitang pampaaralan ang mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang mula sa alkalde ng bayan, na si Mayor Walter Echevarria. Kasama nya ang punong guro na si Dr. Celeste Q. de Guzman. Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga mag-aaral na pinagkalooban ng bag. 3. Ano ang ipinagkaloob sa mga mag-aaral ng Ikalimang Baitang? a: bag at kagamitang pampaaralan c. sapatos at uniporme b. mga kagamitang pambahay d. gatas at food packs 4. Sino ang kasama ng alkalde ng bayan sa pagkakaloob ng mga kagamitang pampaaralan? a. Mayor Walter Echevarria c. mga guro b. punong guro d. mga magulang 5. Pinupuri si Jonathan ng kanilang mga kaanak dahil sa tuwing masasalubong nila ito'y hindi nakakaligtaang magmano. Kung kakausapin naman siya ay laging may “po” at “opo”. Si Jonathan ay a. masipag b. magalang c. mabait d. masunurin 6. Nang ilunsad ang Pera sa Basura ay kinausap ni Darisha ang ina na ipagkakaloob nila sa paaralan ang kanilang mga lumang dyaryo, bote at lata. Inilagay niya sa sako ang mga ito nang pumayag ang ina ay ibinigay sa kanyang guro. Ipinakita ni Darisha na siya ay marunong a. makigulo b. makisaya c. makihalo d. makiisa 7. Maraming tanim sa paligid ng aming paaralan. Maraming mga puno at mga halamang namumulaklak. Marami ring mga gulay. Talagang maganda ang aming paaralan. Palagi pa itong malinis. Paksa: 8. Ang bibingka ay isang klase ng kakanin na gawa sa giniling na malagkit. Ito ay niluto sa gata ng niyog at asukal. Kakaiba ang pagluluto nito sa ibang kakanin: may apoy o baga sa ilalim at sa ibabaw. Para higit itong maging masarap, nilalagyan pa ito ng hiwa-hiwang itlog na maalat at kesong puti sa ibabaw. paksa