Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang tinutukoy na sagot mula sa loob ng kahon. Isulat ito sa sagutang papel. Acapulco Tabako Barko Viceroy Royal Subsidy Boleta Subsidy Maynila Katutubo Kakulangan sa pagkain 1. Ang sasakyang pandagat na ginamit sa paghahatid ng mga kalakalan ng mga Espanyol noon. 2. Tiket na maaaring makuha upang magkaroon ng puwesto sa loob ng galyon. 3. Ang mga taong hindi nakinabang sa kalakalan. 4. Ito ay ang hangganan ng galyon sa Mexico. 5. Ang tulong mula sa pinuno ng Mexico. 6. Isa sa mga hindi magandang epekto ng kalakalang galyon na naranasan ng mga Pilipino. 7. Isa ang produktong ito sa mga lulan mula sa Pilipinas. 8. Ito ang naging sentro ng kalakalan noong panahong ito. 9. Ang tawag sa pinuno ng Mexico. 10. Iba pang katawagan sa real situado na tulong pinansyal mula sa Mexico ng Pilipinas.