Sagot :
Answer:
Nitong Nobyembre 2011, inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Dept. Order No. 18-A, ang bagong alituntunin sa labor contracting. Batay sa mga press release na inilabas ng DOLE, masasabing malaking ginhawa ang maidudulot ng bagong regulasyong ito sa kalagayan ng mga manggagawang sakop ng mga agency o subcontractor.
Explanation:
Ano nga ba ang nilalaman ng DOLE D.O. 18-A na wala sa dating batas na umiiral tungkol sa labor contracting?
•Una, kailangan na ang malaking kapital para maging isang lehitimong labor contractor.
•Pangalawa, mas mataas na ang babayaran ngayon ng mga ahensiya para mabigyan sila ng rehistro bilang legal na kontratista.
•Pangatlo, sa ilalim ng D.O. 18-A, ang paulit-ulit na pagtanggap ng kompanya ng mga manggagawang kontraktuwal sa ilalim ng iisa o kahit paiba-ibang agency ay mangangahulugan na ang kompanya ay gumagawa ng labor-only contracting na ipinagbabawal ng batas.
•Pang-apat, inuutos din ng D.O. 18-A na ang employment contract sa pagitan ng isang contractual employee at kanyang agency ay kailangang maging kasing haba ng service contract sa pagitan ng agency at ng kompanya.
•Panglima, kapag may unyon sa kompanya ngunit pinakontrata pa rin ng huli ang ibang gawain at gumamit ito ng agency para rito, obligadong ipakita ng kompanya sa unyon ang service contract sa pagitan ng kompanya at ng agency.
•Pang-anim, sinasabi rin ng D.O. 18-A na kailangang hindi lalagpas ang bilang ng mga contractual o agency employees sa bilang na nakasaad sa collective bargaining agreement (CBA) , kung meron man.
Yan ang mga importanteng pagbabago sa batas ng labor contracting na dinulot ng D.O. 18-A sa ilalim ni Secretary Rosalinda Baldoz.