Tayahin Panuto. Isulat ang T kapag TAMA ang pangungusap at M kapag ito ay MALI. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay 2. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago 3. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan 4. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. 5. Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob. 6. Nakasalalay sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin 7. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay tinatawag na kilos-loob.