AUNICARHEILADAVID19GO AUNICARHEILADAVID19GO Edukasyon sa Pagpapakatao Answered Katatapos lang ang dalamhati ng pamilya nila Nica at Daniel mula sa pagkaulila sa masayahin nilang ama na naglingkod bilang isang driver ng mga kawani ng baranggay.Isang masalimuot na umaga ang nakalugmok sa ibaba ng kama na tila nahulog ito. Sising-sisi ang dalawa kung bakit iniwan nilang mag-isa ang ina at sabay pang nagwika, “bakit ka pa kasi sumabay sa pagpunta ng baranggay! Sana ako na lang ang lumabas at naiwan ka!muling sumalubong sa pamilya nang nagtatatakbong patungo ng baranggay ang magkapatid na Nica at Daniel upang manghiram ng sasakyan. Mangiyak-ngiyak at punong-puno ng takot at pangamba habang tinatahak ang daan di kalayuan sa baranggay hall mula sa kanilang bahay.Sa pagmamadali, di napansin ng magkapatid na may tumatawag sa kanilang nakauniporme, pulis pala na sumisita sa kanila dahil sa kawalan ng suot na face mask. Nang makita ng pulis ang matinding kalungkutan sa magkapatid, nahabag ito at imbes na pagalitan o pagmultahin, tinulungan pa ang mga ito at kaagad na tinugunan ang pangangailangan na idinulog ng magkapatid.Nagkaroon ng pag-asa ang magkapatid nang sunduin ng mobile car ang inang may sakit. Laking gulat ng magkapatid sa hitsura ng ina naDali- daling nagtulong ang mga ito upang maisakay ang huli sa sasakyan ng pulis at idinala sa pinakamalapit na ospital na tumatanggap ng Covid-19 patient.Mahaba ang pila sa ospital na iyon, hindi alintana ng magkapatid ang minsan madikit-dikit sa iba sa loob ng emergency room. Nang malapit na silang tawagin, napansin ni Daniel na tila mas hirap ang ina sa paghinga, nakita din ng nurse ang nangyayari kaya inuna itong suriin. Inaatake pala ito ng high-blood kasabay ng hika, sa madaling salita hindi pala ito ang kinatatakutan nilang Covid- 19 na dumapo sa ina.Nagmamadaling inilayo ng mga nurse ang pasyente mula sa mga hinihinalang may Covid-19 upang malapatan ng gamot laban sa high- blood. Nang bumalik na sa normal ang kanilang ina, kinausap sila ng doktor na obserbahan ang kanilang mga sarili sa loob ng 14 na araw dahil na-expose ang mga ito sa ospital na may Covid. Laking gulat ng mag-iina sa kanilang narinig mula sa manggagamot, takot at matinding pag-aalala ang naging bunga ng di pinag-isipan at pabigla-biglang tugon sa pangyayari.Ilagay sa hanay A. ang positibong emosyonat sa hanay B. naman ang negatibong emosyon.Now na po please!!