Sagot :
Explanation:
KONSENSIYA MORAL ANG KAUGNAYAN NG SA LIKAS NA BATAS Ano ang Inaasahang Maipamalas Mo? Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya arawaraw. Mula paggising sa umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Babangon na o hindi pa, maliligo o maghihilamos, kakain o mamaya pa ay ilan lamang sa mga pagpapasyang ito. Marahil hindi na nga ito napapansin bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain. Sa pagpipili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang pag-ukulan ng pansin, Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang gagawin.
2. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
3. Natutukoy na ang Likas na Bataas Moral ay natatangi sa tao dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama Nailalapat ang wastong paaraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao Nakabubuo ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga pasya at kilos na ginagawa araw-araw.