1.May outreach program ang iyong paaralan para sa mga nasunugan.Ano ang mahalagang gamit ang kaya mong ibigay?
2. Sa bahay ninyo inimbak ang relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.
May nagustuhan kang mga laruan sa mga ito.
3. Nakita mong tumatakbo ang bata at biglang nadapa ito.
4. May batang walang pagkain sa oras ng meryenda at nasa isang sulok lang.
5. Maraming pamilya ngayon ang nawalan ng mahal sa buhay, at may nawalan
din ng hanapbuhay dahil sa naranasan nating pandemic (Covid -19).
6. May bagyong sumalanta sa iyong lugar at bumaha sa iyong paligid. Tanging
bahay lamang ninyo ang naiwang nakatayo. Ilan sa mga kapitbahay mo ay
nawasak ang mga tahanan.
7. Namatay ang ama ng iyong kamag aral.Paano mo maipapadama ang
pagtulong sa naiwang pamilya?
8. Papauwi ka na galing sa paaralan. Nakita mong hirap na hirap ang isang
matanda sa pagtawid sa kalsada.
9. Maraming tao ang nawalan ng tirahan, ari - arian at kabuhayan dahil
natabunan ng lahar noong sumabog ang bulkang Taal.
10. Nakatayo ka sa harapan ng gate ng paaralan nang may matandang babae at
nagtanong kung saan ang direksiyon papunta sa Taguig-Pateros District
Hospital.
paki sagot po yung maayos po sana
