Si Miguel ay nag-iisang anak ng kaniyang magulang. Sa murang edad niya ay hinubog na siya ng kaniyang ina na bumasa palagi ng aklat. Walang araw na hindi siya nagbabasa ng aklat. Kaya marami siyang kaalamang naipon sa pagbabasa. Palagi siyang sumasagot sa loob ng klase kapag may katanungan ang kaniyang mga guro. Palagi rin siyang kinukuha upang makilahok sa mga patimpalak lalong-lalo na kapag ito ay tungkol sa pagbabasa. Marami rin siyang kaibigan at palagi niya ikinukuwento ang anumang nabasa niya. Ayon sa kaniya, nahiligan niyang magbasa ng aklat sa kadahilanang pakiramdam niya siya ay naglalakbay saanmang dako ng mundo. Iyan si Miguel ang batang mahilig magbasa. Sariling akda ni Shella H. Arcolas Mga Tanong: 1. Ilang pangungusap meron ang talata? 2. Saang bahagi ng talata matatagpuan ang paksang diwa? 3. Ano ang paksang pangungusap ng talata? 4. Ano ang angkop na pamagat ng talata?