Subukin Panuto: Piliin ang angkop na letra at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay – turing sa pangngalan o panghalip. A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay 2. Pagkataba-taba ng aking alagang aso. Ang may salungguhit ay halimbawa ng kayarian ng Pang-uri na A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng Pang-uri. A. malagkit B. nalito C. matalas 4. Napakasipag ng batang iyon sa talakayan sa klase. Ang may salungguhit ay halimbawa ng Kayarian ng Pang-uri na A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol 5. Ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip. A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol 6. Uri ng Pahambing na may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. A. Pasahol B. Palamang C. Pasukdol 7. Gumagamit ng mga salitang lalo, higit/mas, labis, di hamak sa paghahambing. A. Palamang B. Pasahol C. Pasukdol 8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Kayarian ng Pang-uri na lantay A. Ang baho-baho ng basura sa labas. B. Nabighani ako sa proyekto ng DENR na white sand sa Manila Bay. C. Magkasinghusay umawit si Regine at Sara. 16