Mga trabaho sa sektor ng Industriya?​

Sagot :

Answer:

•Sektor ng Industriya

Tumutukoy sa pagproseso ng mga hilaw na produkto patungong yaring produkto.

•Industriyalisasyon

Kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto mula sa hilaw na materyales na tutugon sa mga pangangailangan ng lokal at pandaigdigang pamilihan.

Primary Industries at Secondary Industries

Dalawang uri ng Industriya

•Primary Industries

Mga Industriya na mula sa agrikultura, paggugubat, at pagmimina.

•Secondary Industries

Tumutukoy sa mga komplikadong gawain, mula sa pagproseso ng mga pangunahing produktong agrikultura patungo sa mas malaking produksyon sa kalimitan na gagamitan ng iba't ibang uri ng makinarya.

Pagmimina, Konstruksyon, Pagmamanupaktura, at Utilities o Elektrisidad at Gas

Mga subsektor ng sektor ng industriya

•Pagmimina

Subsektor ng sektor ng industriya na tumutukoy sa pagkuha o pagkatas ng mga mineral na matatagpuan kalimitan sa ilalim ng lupa tulad ng nickel, iron, ore, ginto, at marami pa. Mahalaga ang papel nito sa pagproseso ng industriyalisasyon at pagtahak sa landas ng modernisasyon.

•Konstruksyon

Subsektor ng sektor ng industriya na naglalayong maipatayo ang mga kailangang daan, gusali, paliparan, at iba pang konstruksyon na may kinalaman sa pisikal na pagpapaganda ng isang bansa.

•Pagmamanupaktura

Subsektor ng sektor ng industriya na binubuo ng mga sasakyan, damit, kasangkapan sa bahay, malaking makina, papel, muwebles, at prinosesong pagkain. Ito ay produksyon ng mga pangangailangan ng bawat tao upang mabuhay sa pang araw-araw.

Explanation:

シ︎