Sagot :
Answer:
Ang Luzon, Kalusunan o Hilagang Pilipinas, ay tumutukoy sa isang pinakamalaki at pinakamahalagang pulo ng Pilipinas, tinugrian itong North Philippines (Northern) at isa sa tatlong pangkat ng mga pulo sa bansa (ang Kabisayaan at Mindanao ang dalawa pa).
Bilang isang pulo, ang Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas na may sukat na 104,688 kilometro kwadrado at ito rin ang ika-17 pinakamalaking pulo sa mundo. Dito matatagpuan ang kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon, ang pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.
Ang pangkat ng pulo na tinutukoy bilang ang Kalusunan ay kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes, Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at 38 na lalawigan.
Mga nilalaman
1 Heograpiya
2 Pisikal
2.1 1. Hilagang Luzon
2.1.1 4 Dibisyon
2.2 2. Gitnang Luzon
2.3 3. Kalakhang Maynila
2.4 4. Timog Luzon
2.4.1 4 Dibisyon
3 Kalakhan sa Luzon
3.1 Kalakhang Luzon
4 Pagkakahating Administratibo
4.1 Administratibo at rehiyon
5 Mga sanggunian