Naisabuhay ko ba any
Hango sa Aklat na Character Building ni Isaacs (2001)
Lagyan ng tsek (V) sa tapat ng bawat aytem kung ito ay iyong taglay at lagyan naman ng
ekis (x) kung hindi
Ako Hindi ako
Mga Palatandaan
Ito
ito
1. Lahat ng bagong kakilala ay pinaniniwalaan kong maari kong
maging kaibigan sa hinaharap
2. Upang mabuo ang pagkakaibigan kailangang may pagkakatulad at
iisang interes o hilig
3. Interesado ako sa aking kaibigan sa kabuuan ng kaniyang
pagkatao at hindi lamang sa mga bagay na kami ay may
pagkakatulad
4. Naniniwala akong mahalaga na mayroong regular na pakikipag-
ugnayan sa mga pinipiling maging kaibigan
5. Nauunawaan ko na ang kalidad ng pagkakaibigan ay tataas batay
sa dami ng pagpapalitan ng mga tanong na maglalapit s aisa't isa
at magbubukas sa kanilang sarili at maging sa kanilang
magkaparehong interes na makilala ang isa't isa
6. Mulat ako na ang pakikipagkaibigan lalo na sa katapat na kasarian
ay mayroong limitasyon
7. Nauunawaan ko na upang maging mabuting kaibigan ako sa aking
kaibigan at upang maging kaibigan din sila sa akin, kailangan
naming magsikap na mapagyaman ang ilang mga birtud
8. Nagpapakita ako ng pagmamalasakit sa aking kaibigan sa
maraming mga paraan (Hal. Pagbisita sa kaniya kapag maysakit,
hindi nagsasalita ng masama laban sa kaniya, atbp.)​